Daniel babalik na sa pag-aaral; pero di raw iiwan ang showbiz
KAHIT masasabing secured na ang future ni Daniel Padilla, may isang wish pa rin si Karla Estrada para sa kanyang anak – ang makatapos ito sa pag-aaral at makakuha ng college diploma.
Kahapon sa morning show nila sa ABS-CBN na Magandang Buhay, ibinalita ng TV host-singer na nais niyang bumalik sa school si Daniel next year. Aniya, ultimate dream niya ang makitang nakapagtapos ng pag-aaral ang lahat ng anak niya.
“Of course, gusto ko sa mga anak ko ay makapagtapos sila ng pag-aaral. Si Daniel, siguro mga next year ay magi-start na ulit,” chika ni Karla.
“Gusto ko silang makapagtapos dahil ito ‘yung isang bagay na ipinagkait sa akin dahil kailangan kong magtrabaho ng maaga para masuportahan ko ang buong angkan namin. But, of course, hindi ako nagsisisi,” hirit pa ng dating sexy actress.
Sa pagkakaalam namin, 21 years old na ngayon si Daniel at nakapa-home study program na siya sa Angelicum College noon. Mismong si Daniel na rin ang nagsabi na gustung-gusto rin niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Sabi nga ni Karla, gagawin niya ang lahat para ma-motivate ang mga anak na maka-graduate sa college, “Magtapos muna ng pag-aaral at kung ano man ang gusto nilang pasukin ay susuportahan ko yon 100 percent.”
Pero siguro naman hindi pa rin iiwan ni Daniel ang showbiz dahil ang balita namin ay inaayos na ang susunod na proyekyo nila ni Kathryn. Naniniwala kaming kayang-kaya ni DJ na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.