Adamson Soaring Falcons nalusutan ang FEU Tamaraws
NAGPAKITA ng katatagan ang Adamson University Soaring Falcons tungo sa pagtala ng 61-59 pagwawagi sa Far Eastern University Tamaraws sa kanilang UAAP Season 79 men’s basketball game Linggo sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.
Napuwersa nina Sean Manganti at Jonathan Espeleta si Monbert Arong na makagawa ng traveling violation sa huling tatlong segundo ng laro para mabalewala ng Falcons ang huling ratsada ng Tamaraws na pinangunahan ni Raymar Jose.
“We needed this win,” sabi ni Adamson coach Franz Pumaren, na ang tropa ay pinutol ang seven-game winning streak ng FEU. “At this stage, we’re looking at making it to the playoffs and we needed this type of game.”
Pinangunahan ni Manganti ang Adamson sa itinalang 14 puntos.
Sa ikalawang laro, nanatiling buhay ang tsansa ng University of the Philippines Fighting Maroons na makapasok sa Final Four matapos nitong daigin ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 74-69.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.