Steve Harvey OK na kay Duterte bilang host ng Miss U sa Pinas
APRUBADO na pala kay President Digong Duterte ang paghu-host ni Steve Harvey ng Miss Universe sa bansa ayon sa report.
Fresh pa rin kasi sa utak ng Pinoy ang kapalpakan ni Harvey sa huling Miss U pageant kaya maging ang ating presidente ay umayaw sa kanya na maging host sa nasabing international beauty pageant na gaganapin nga sa Pilipinas sa Jan. 30, 2017.
At least, kampante na ang Miss U organizers sa pagpayag ni P-Digong na si Harvey muli ang maging host ng contest.
Eh, natahimik na rin yata ang kumukontra sa pag-i-stage ng Miss U sa bansa kaya looks like wala nang hadlang ang third staging ng Miss Universe sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.