Nagpakalat ng pirated copy ng ‘The Escort’ sa internet binalaan
PINARATA man sa online sa second day of showing ang Regal movie na “The Escort”, hindi pa rin natinag ang pagiging blockbuster nito sa takilya.
Kumita ng mahigit P10 million sa pangalawang araw ng showing ang explosive sex drama movie ng taon na idinirek ni Enzo Williams.
Isang Joshua Dischosa ang naglabas sa kanyang Facebook account na may high definition copy daw siya ng pelikula. May nakasaad pa kung paano mada-download ang pelikula para mapanood ito.
Kung matatandaan, ito rin ‘yung account na pumirata sa online ng “My Rebound Girl”. Muling nagbigay ng warning si Roselle Monteverde sa account na ito.
Meron ngang Anti-Piracy Law pero mukhang inutil ang ilang opisyales para matigil ang piracy online, huh!
Pero siyempre, mas magandang panoorin sa big screen ang “The Escort” kaya huwag n’yong tangkilikin ang kumalat na kopya nito sa online dahil baka madamay pa kayo kapag gumawa na ng legal na hakbang ang mga kinauukulan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.