Angelica: Mas madaldal si Dingdong ngayon, mas maaliwalas ang aura!!! | Bandera

Angelica: Mas madaldal si Dingdong ngayon, mas maaliwalas ang aura!!!

Ervin Santiago - November 04, 2016 - 12:15 AM

ANGELICA PANGANIBAN, DINGDONG DANTES AT PAULO AVELINO

ANGELICA PANGANIBAN, DINGDONG DANTES AT PAULO AVELINO

IKATLONG pelikula na nina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban ang latest Star Cinema offering na “The Unmarried Wife” directed by Maryo J. delos Reyes at aminado ang dalawa na marami pa silang na-discover sa isa’t isa habang ginagawa ang nasabing proyekto.

Kahapon sa grand presscon ng pelikula kung saan makakasama rin ang magaling na Kapamilya hunk actor na si Paulo Avelino, sinabi nina Dingdong at Angelica na nakabuo na sila ng magandang rapport sa isa’t isa para maging makatotohanan ang mga eksena nila sa “The Unmarried Wife”.

Ayon kay Dong, “Pangatlong beses na naming magkasama, una sa ‘Segunda Mano’, ‘One More Try’ and itong ‘The Unmarried Wife’. Iba naman yung requirements sa amin para sa project na ito. It talks about so many things, e. Not just about husband and wife na nag-away at naghiwalay dahil sa mga marital problems.

“And we are just very proud to be part of this movie, na pwedeng magbigay ng enlightenment sa mga nagiging problema ng mag-asawa or pati sa iba pang klase ng relationship,” sey ng asawa ni Marian Rivera.

Chika naman ni Angelica, “Masaya, siyempre nagkasama uli kami. Pero ibang level naman ito. Sa ‘Segunda’ maliit lang ang role ko, multo ako du’n. Sa ‘One More Try’ naman, apat na karakter ang iniikutan ng kuwento. So, dito, mas marami na kaming eksena ni Dingdong, mas mahirap ang trabaho namin this time. Tsaka hindi sa minemenos ko yung mga ginawa niya (Dong) dati, pero dito talaga ang dami kong realizations.

“Parang, ‘Wow! Ang husay-husay talaga niya. Minsan nga may mga ginagawa siya, natutulala na lang ako, ‘Ano yun? Saan galing ‘yun. Kasi ang lalim ng hugot. Kasi nga may mga bagong eksena kaming ginawa dito na hindi ko inakalang magagawa namin,” papuri pa ni Angelica sa kanyang leading man.

Dagdag pa nito, “Tsaka, in fairness, nakita ko talaga ang pleasant niya ngayon. Mas maaliwalas siya ngayon, at mas madaldal na rin siya, kasi dati tahimik lang siya, nakatulala lang. Pero ngayon nakikipagkuwentuhan na siya. Nagtatanong din siya ng gay linggo, tinuturuan ko naman. Ayun, masaya ako na nakakatrabaho ko yung mga taong komportable akong kasama.”

Sa kuwento ng pelikula, gaganap si Angelica bilang si Anne, “Ano siya, believer ng love, nu’ng una medyo hindi niya priority sa buhay ang love, hanggang sa nakilala niya si Geoff (Dingdong) na pinaniwala siyang totoo ang fairy tale, na talagang true ang pagmamahal. Pero hindi natin inaasahan na masasaktan tayo at mas mananakit talaga sa atin.”

Gaganap naman si Paulo bilang si Bryan, “Dumating si Bryan sa buhay ni Anne noong malungkot siya.

Na-in love siya along the way. Di ba, kapag may minahal ka, gusto mo mahalin ka rin, so gagawin niya ang lahat para makuha niya ‘yun. Ganu’n si Bryan.”

Sey naman ni Dingdong, “My character here is si Geoff, actually, naniniwala rin siya na posibleng magkaroon ng panghabambuhay na relasyon ang isang mag-asawa. Pero along the way nga ay nagkaroon ng problema and temptations hanggang sa magkasala siya sa asawa niya. Doon magsisimula yung pagkasira ng pamilya nila.”

Showing na sa Nov. 16 ang “The Unmarried Wife” nationwide. At pahabol nga pala ni direk Maryo, sana raw ay panoorin ito ng mga senador at kongresista natin dahil maaari nila itong gawing example sa pagpapasa o pagrerebisa ng mga batas na may kinalaman sa mag-asawa at pamilya.

In fairness, nagkakaisa ang entertainment media sa pagsasabing napakagaling ni Angelica bilang komedyante at drama actress, kung meron mang pwedeng pumalit sa trono ng Diamond Star na si Maricel Soriano, siya na ‘yun.

Kaya natanong ang dalaga kung mahirap ba ang maging Angelica Panganiban? Paano niya nabibigyan ng hustisya ang komedya at drama?

“Siguro surrounded lang ako ng masasayahing tao, at gusto ko yun. May nakapagsabi nga sa akin, dapat daw sinu-surround mo yung sarili mo ng mga masayahing tao, and people who you look up to. Kaya may mga panahon na hindi sila yung sinasamahan ko, yung mga nilu-look down ko yung mga kasama para may matutunan ako sa kanilang mga kalokohan, mga kabaliwan.

“Tapos kapag kasama ko naman ‘yung mga nilu-look up ko, e, du’n ako nagpapatawa. Kunwari galing sa akin ‘yun, parang pa-witty ganu’n! Siyempre, yung mga nilu-look up ko hindi na nila nakikita ‘yung mga nilu-look down ko, di ba?” natatawang chika ni Angelica.

Ano nga bang pinaghuhugutan niya? “Experience, kasi di ba, part naman talaga ‘yun, e. Mahirap mag-portray ng isang role na kahit konti ay hindi ka nakaka-relate, kung hindi ka naniniwala sa karakter at sa senaryo. Actually, pa-bipolar na ang dating sa akin. Parang dalawa na ‘yung personality ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Usually naman ganu’n ang nangyayari sa akin, alam ko hindi siya normal at hindi siya dapat ipagmalaki, pero so far nagwo-work naman. Kapag hindi ko na kaya, saka na ako magpapa-check-up!” – Ervin Santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending