Duterte tinanggap na ang pagbibitiw ni FVR bilang special envoy sa China | Bandera

Duterte tinanggap na ang pagbibitiw ni FVR bilang special envoy sa China

- November 02, 2016 - 04:06 PM

fvr-duterte

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni dating pangulong Fidel Ramos bilang special envoy sa China.

“Yes. I received his—Was it last night? I had a copy of his resignation. First, I’d like to thank him for helping me and being of the service to the nation even at his age,” sinabi ni Duterte sa isang press conference sa Davao City, kamakalawa ng gabi matapos namang bumisita sa puntod ng kanyang mga magulang.

Idinagdag ni Duterte na bagamat tinatanggap niya ang mga payo ni Ramos, may sarili siyang posisyon sa mga isyung binanggit ng dating pangulo.

“For example… I have not heard but it was stated there in one newspaper about extrajudicial killing. He knows that I do not do it and we do not do it. He was once upon a time the chief of the PNP. Hindi na ginagawa ‘yan,” giit ni Duterte.

Idinagdag pa ni Duterte na may ipinangako siya noong nakaraang eleksiyon na kailangan niyang tuparin.

“So, pasensya na lang if you do not like my commitment which I, to me was a sacred promise during May, during the last elections. Ito ang gagawin ko. At nanalo ako, palagay ko naman sa rason na binigay ko. And I will do it until the last pusher is out of the streets and the last drug lord in this country is exterminated,” ayon pa kay Duterte.

Itinanggi rin ni Duterte na may tensyon sa pagitan niya at ni Ramos.

“Of course not. He was… correct. The only problem is wala pa ‘yung papel sa akin. I cannot approve, ayokong magsalita. I cannot approve or disapprove anything that it is not on my table,” dagdag pa ni Duterte.

Nangako naman si Duterte na patuloy niyang hihingan ng payo si Ramos sa kabila ng pag-alis sa puwesto.

“Yes, of course, if he cares to listen. Hindi naman siguro sabihin na nag-resign siya as special envoy, hindi na’ko makapag-tanong sa kanya,” sabi ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanyang lingguhang kolum sa isang pahayagan, inilarawan ni Ramos ang Pilipinas na isang “sinking ship” sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.

Binatikos din ni Ramos ang posisyon ni Duterte kaugnay ng climate change.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending