Miss Politician di maamin relasyon sa kapwa pulitiko | Bandera

Miss Politician di maamin relasyon sa kapwa pulitiko

Den Macaranas - November 02, 2016 - 12:10 AM

KAMAKAILAN lang sa isang mini-concert ng sikat na singer na si Noel Cabangon ay agaw-eksena ang mag-sweetheart na pulitiko.

Sinabi ng ating Cricket na magkahawak-kamay silang dumating sa venue pero pagpasok sa mismong music hall ay sa braso na lamang humawak ang bigotilyong politician mula sa isang lungsod dito sa Metro Manila.

Matagal na ang bali-balita ang relasyon ng dalawa pero nanatiling tahimik ang kani-kanilang mga kampo sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sinasabing hiwalay sa asawa si Sir samantalang namatay naman sa isang malagim na trahedya ang asawa ni Ma’am kaya walang hadlang sakaling umamin na sila sa kanilang relasyon, ayon pa sa ating Cricket.

Pero ito ang matinding rebelasyon ng ating Cricket na pwede nang pumasa bilang isang imbestigador.

Bago pa man daw mamatay ang asawa ni lady politician ay may hidwaan na raw sila nito.

Kilala kasi ang namatay na asawa ni Madam bilang isang straight-forward, matino at simpleng pulitiko lamang pero may itinatago rin daw ito na lihim.

Noong eleksyon ay hindi na ito inilutang sa kaalaman ng publiko para nga naman hindi na mabahiran ng putik ang magandang legacy ng namatay na public servant.

Sinabi ng ating Cricket na naikwento umano ni Mr. Politician na ngayon ay dyowa ni Madam na may-anak sa labas ang dating asawa ng kanyang kasintahan.

Ang ibig sabihin ay may kinikimkim na galit si Misis kahit noong buhay pa ang kanyang Mister.

Pero dahil sila ang legal na pamilya kaya malaking bahagi ng ari-arian ng namatay na pulitiko ay napunta sa kanila bukod pa sa nagamit nang husto ang pangalan ng dating pulitiko sa kandidatura ng kanyang Misis.

Iyun daw ang dahilan kaya mabilis na naka-move on si Madam at tinanggap ang inialok na pag-ibig ni Sir from Metro Manila.

Matalino rin si Mr. Politician dahil nakuha niya agad ang simpatya ng mga anak ni Madam kaya kung tutuusin ayon sa ating Cricket ay pag-amin na lamang sa publiko ng kanilang tunay na relasyon ang kulang.

Pero hindi raw nila ito magawa dahil may mataas na pangarap si Madam sa larangan ng pulitika kahit na sabihing napakataas na ng kanyang pwesto sa kasalukuyan.

Ang pulitiko na sinasabing karelasyon ni Madam ay Mr. B….as in Bigotilyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang lady politician naman na sinasabing in-love sa kasalukuyan ay si Madam R….as in Robin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending