Belo, Banal naging top picks ng Blackwater Elite sa PBA Rookie Draft | Bandera

Belo, Banal naging top picks ng Blackwater Elite sa PBA Rookie Draft

Angelito Oredo , |October 30,2016
facebook
share this

Belo, Banal naging top picks ng Blackwater Elite sa PBA Rookie Draft

Angelito Oredo - , October 30, 2016 - 11:00 PM

 

banal, belo

TULAD ng inaasahan sina Mac Belo at Raphael Banal ang naging top pick ng Blackwater Elite sa isinagawang special at regular draft ng 2016 PBA Rookie Draft na ginanap Linggo sa Midtown Atrium ng Robinsons Place Manila sa Ermita, Maynila.

Nauna nang pinili ng Elite sa ginanap na PBA Board meeting noong Huwebes sa opisina ng liga sa Quezon City si Belo mula sa mga Gilas cadet players sa napagkasunduang “pre-determined order” picks ng 12 PBA teams. Pormal namang inihayag sa publiko ang mga napili mula sa Gilas special draft bago ang isinagawang regular draft kahapon na pinangunahan nina Commissioner Andres Narvasa, Jr., incoming Chairman Erick Arejola at outgoing chairman Robert Non.

Nauna nang isiniwalat ng Elite na ang 6-foot-4 Gilas cadet mainstay at dating FEU Tamaraws forward na si Belo ang magiging No. 1 choice nila habang kailangan nila ang talented combo guard na si Banal, anak ni dating PBA player at coach Joel Banal at naglaro sa Hope International University-California at Ateneo Blue Eaglets para makakatulong kay Denok Miranda sa backcourt.

“Ang gandang makita sa headlines, ‘Blackwater acquires Belo.’ Di ba kalaban namin sa business ‘yung Belo Essentials, hahaha,” sabi lamang ni Elite team owner Dioceldo Sy. “We need a combo guard and Banal can fill that gap for us. Ang laki pa niyang guwardiya.”

Hindi na rin bago sa plano ng Elite si Belo.

“Dream ko naman talaga ay makapunta at makapaglaro sa PBA. Kahit sino ‘yung mag-pick sa akin, masaya ako. Magandang team ang Blackwater at bagong team. Malaking opportunity para sa akin,” sabi ni Belo.

Isa si Belo sa 12 manlalaro na nasa Gilas cadet roster na kinuha ng mga PBA teams sa special draft habang kabilang si Banal sa 40 regular hopefuls na pumasa sa PBA Rookie Draft Combine noong Miyerkules at Huwebes sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.

Matapos pumili ng Blackwater, kinuha ng Phoenix Fuel Masters si Gelo Alolino, pinili ng Barangay Ginebra Kings si Jammer Jamito, dinampot ng Mahindra Enforcer si Joseph Eriobu, nakubra ng Star Hotshots si Chris Javier, napili ng San Miguel Beermen si Rashawn McCarthy, kinuha ng Meralco Bolts si Jonathan Grey, nahablot ng NLEX Road Warriors si Reden Celda, kinuha ng Barangay Ginebra si Jericho de Guzman at pinili ng Phoenix si Jeff Javillonar para isara ang opening round.

Walang namang kinuhang draft pick sa opening round ang Rain or Shine Elasto Painters at Alaska Aces.

Sa second round, nahablot ng Blackwater si Tristan Perez, kinuha ng Globalport Batang Pier sina Alfrancis Tamsi at Ryan Arambulo, nakubra ng Meralco si Jessie Saitanan, napili ng San Miguel Beer si Jovit dela Cruz, napunta naman sa Phoenix sina Pao Javelona at Achie Iñigo at napisil ng Mahindra si Cedrick Ablaza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending