TODO-tanggi si Sen. Leila de Lima na pag-aari niya ang $6 na milyong mansyon sa New York na binili umano niya noong Pebrero para sa kanila ng lover/driver niyang si Ronnie Dayan.
Aniya, siyasatin niya ang umano’y address ng sinasabing mansyon, ang Barlow-Pell Mansion Museum, isang sikat na lugar sa New York.
“This latest fake news is just one of the many manufactured news and fabricated lies being maliciously peddled around to malign and discredit me,” dagdag ng senadora.
Kilalang numero unong kritiko si de Lima ni Pangulong Duterte.
“The object of malicious misinformation campaign designed to tarnish my good name and reputation,” aniya.
Samantala, suportado umano niya ang mga lehitimong media na nagdeklara ng gi-yera laban sa mga pekeng balita at memes sa social media.
Inakusahan si de Lima ni Duterte na umano’y nagbenepisyo sa payola sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ng siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.