Balik Panatag na tayo; China, BFF na ba? | Bandera

Balik Panatag na tayo; China, BFF na ba?

Jake Maderazo - October 31, 2016 - 12:15 AM

ANG balitang pwede nang mangisda ang mga Pilipino sa Panatag (Scarborough shoal) ang “new normal” sa relasyon ng Pilipinas at China.
Sabi ni Digong, maliwanag na tayo ang may-ari ng naturang mga isla na pinatunayan ng Arbitral tribunal at hindi na mababago kailanman.
‘Di naman ito kinikilala ng China at sakop daw ito ng kanilang 9-dash line. Ika nga, walang magbibigayan sa teritoryo.
Ang nangyari, pwede palang mag-usap nang hindi nagpapataasan ng yabang. Ika nga sa mag-kaibigan, “let us agree to disagree”. Iba ang paniniwala mo, iba akin, pero tuloy ang pagkakaibigan at hanapbuhay.
Ang usapang Philippines-China ay katulad din ng Vietnam na merong malalim na “border dispute” sa lupa at sa karagatan, ganoon din ang border problems nila sa Burma at Laos. Walang sukuan ng teritoryo ang mga bansang ito pero may masiglang tulungan sa ekonomya at hindi nila itinuturing na kaaway ang isa’t isa.
Sa anim na taon ni dating Pangulong Noynoy, walang usapan na may bantang gera pa kung hindi tutupad ang China sa desisyon ng Arbitral Tribunal. Marahil kung nanalo si Roxas, lalakas ang girian ng Amerika at Western nations at iipitin ang China na tuparin ang Arbitral ruling.
At dito nga,tayong Pilipinas ang pihadong masusubo sa gulo gaya noong World War II. Pero ngayon, nakabalik na ang mga mangingisda sa Panatag shoal at ito ay indikasyon na hindi na tayo itinuturing na kaaway ng China kundi kapitbahay nila gaya ng Vietnam, Burma at Laos.
Kabuuang $24 bilyon (P1.61 trilyon) na halaga ng negosyo ang ibinigay o pinautang sa Pilipinas na magdudulot ng 2 milyon trabaho sa ating mga kababayan. Sa mga kanayunan, ang ating saging, mangga, dragon fruit, durian at iba pang prutas o produkto ay magiging vailable na sa bilyun-bilyong ga Chinese.
Mas malapit sila kaysa Amerika at Europa kayat mas mura at pabor sa ating exporters at magsasaka.
Bukod diyan, inalis na ang Pilipinas sa listahan ng mga restricted countries ng Chinese government na pinupuntahan ng mga milyun-milyong Chinese tourists sa buong mundo taun-taon. Ibig sabihin niyan, ang tourism income natin ay lilipad. Lalago ang mga tourist establishments at dadami ang mga bagong empleyado. Lalo ngayong bumaba sa kalahati ang “index crimes” sa buong bansa, dadagsa ang mga turista dahil mas ligtas na sila sa mga kriminal.
Ito po’y mula China lamang, hindi pa natin isinasama ang mga galing sa Russia, at Eastern European countries na makikita nila kung bakit isang paraiso ang Pilipinas. Turismo po ang nagpapaunlad sa Thailand, Australia, Japan, Italy at marami pang iba. Lahat ng ito’y mga “missed opportunities” ng nakaraang mga administrasyon.
Sa isang iglap, napakalaking pagbabago ang naramdaman ng taumbayan. At ang sinasandigan natin ay ang pangako ni Duterte na magiging malinis ang gobyerno, walang corruption.
Dahil kung palpak siya rito, wasak siya sa taumbayan. At aayusin niya ang peace and order para magkaroon ng malaya at parehas na paghahanapbuhay ang bawat Pilipino.
Sa totoo lang, sa China dalawa lang talaga ang pupuntahan: gera o kapayapaan.
Nakita na natin ang direksyon ng gera ng Amerika at ni PNoy sa nakalipas na anim na taon. Eto naman si Duterte na kapayapaan (kahit walang sukuan ng teritoryo) ang pinili at tulungang ekonomiya ang inasikaso. Sino sa palagay niyo ang tama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending