SINABI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Oscar Albayalde na magpapatuloy ang Oplan Tokhang kahit sa paggunita ng Undas.
Ito’y matapos namang ideklarang holiday ang Oktubre 31 at Nobyembre 1 para sa paggunita ng Araw ng mga Patay.
Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 1,725 suspek sa droga na napapatay, samantalang 31,629 ang naaresto sa kabuumg 32,909 operasyon mula Hulyo 1 hanggang Oktubre 26. Umabot naman sa 751,703 ang sumuko, kabilan na ang 54,702 pusher at 697,001 user.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.