Undas wiwisikan ng ulan | Bandera

Undas wiwisikan ng ulan

Leifbilly Begas - October 30, 2016 - 03:23 PM
    pagasa Magiging maulan ang pagdiriwang ng Undas sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.      Batay sa inilabas na special weather outlook ng PAGASA makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mga nabanggit na lugar hanggang sa Nobyembre 2.      Ang pag-ulan ay sanhi ng Intertropical Convergence Zone.      Magiging mauled naman ang papawirin ng Northern at Central Luzon hanggang sa Miyerkules sanhi naman ang Low Pressure Area.     “These systems are expected to enhance the northeasterly wind flow and will bring moderate to rough seas over the seaboards of Northern Luzon.”      Magiging maulap din sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon lalo na sa umaga at may mahinang pag-ulan sa hapon.       Wala namang namataang bagyo ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending