Derrick sa suot na costume sa ‘Tsuperhero’: Bukol king, game!
SA BAGONG adventure at fantasy series ng GMA 7, ang Tsuperhero, inamin ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio na matindi rin ang pinagdaanan niyang training bago gampanan ang kanyang superhero character.
Unang-una raw, marami siyang kailangang matutunan sa buhay-kalye kaya naman sumailalim siya sa isang immersion.
Dito ay sinubukan niyang magmaneho ng manual na jeep at umastang tsuper. Hindi inakala ni Derrick na malalampasan ang kanyang expectations dahil kinarir niya ang pagiging jeepney driver. Inaabot niya ang mga pamasahe ng mga pasahero at dahil manual ang minamaneho, may isang beses na namatayan sila ng makina.
“Mahirap pala talaga ang maging tsuper nu’ng ma-experience ko, kaya dahil dito saludo na ako sa mga jeepney drivers natin, pwede talaga silang i-consider ng mga bayani ng kalye dahil sa hirap ng ginagawa nilang pagtatrabaho para lang mabuhay ang kanilang pamilya,” papuri pa ng hunk actor sa mga driver ng pampasaherong jeep.
Ngayong Nobyembre na magsisimula ang pinakabagong Pinoy superhero comedy adventure na Tsuperhero. Ito ay tungkol sa kakaibang adventures ni Nonoy, na gagampanan nga ni Derrick, isang jeepney driver na naging superhero dahil sa isang misteryosong bagay mula sa ibang planeta.
Malaki ang pasasalamat ni Derrick sa GMA dahil sa kanya ipinagkatiwala ang nasabing proyekto, “It is my first time to portray a role like this na isang superhero. Nakakakaba talaga siya pero at the same time nakakachallenge din kaya mas pagbubutihan ko po talaga yung trabaho ko. Nakaka-flatter din po kasi dahil ako yung napili. So I have to work hard for this project.”
Mas magiging makulay ang kanyang buhay dahil sa hindi niya inaasahang pagmamahal para kay Eva, to be played by Bea Binene, isang barker na naiinis, pero at the same time natutuwa, sa asal-kalyeng pag-uugali ni Nonoy.
Makakasama rin dito ang magagaling na senior stars na sina Gabby Concepcion bilang si Sgt. Cruz, ang ninong ni Nonoy na isang pulis; Alma Moreno bilang si Aling Martha, ang half-blind at mapagmahal na nanay ni Nonoy; Betong Sumaya as Julius, isang kriminal na pag-iinitan ni Tsuperhero; Philip Lazaro bilang si Mang Pedi, may-ari ng karinderya na tinatambayan ni Nonoy; Miggs Cuaderno bilang Bok, ang alien na nagbigay kay Nonoy ng kanyang powers; Valentin bilang si Polding, ang cook sa karinderya; Annalyn Barro bilang si Anna, ang probinsyanapamangkin ni Mang Pedi na naging kaibigan ni Nonoy.
Ang Tsuperhero ay mula sa orihinal na konsepto ni Kapuso comedy genius Michael V, sa direksiyon ni LA Madridejos. Huwag palampasin ang makulit ngunit nakakaaliw na adventures at misadventures ni Tsuperhero ngayong Nobyembre sa GMA Sunday Grande after 24 Oras Weekend.
Samantala, ngayon pa lang ay atat na atat nang mapanood ng mga beki ang Tsuperhero dahil sa bukol ni Derrick. Balitang bakat na bakat daw ang pagkalalaki nito sa kanyang costume.
“Bukol King? Game!” ang chika ng binata sa presscon ng Tsuperhero kamakailan. “Actually, na-conscious naman ako sa costume. Una kasi, ‘yung sa crotch area, baka ‘yon ang maging focus, ‘di ang mukha. Lahat naman kasi siguro, babakat sa costume na ‘yan,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.