Taga-Nueva Vizcaya wagi ng P33.3M sa Super Lotto
Leifbilly Begas - Bandera October 28, 2016 - 06:27 PM
ISANG mananaya sa Nueva Vizcaya ang nanalo ng P33.3 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola Huwebes ng gabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, isa lang ang tumaya sa winning number combination na 42-37-33-11-13-03. Tumaya ito sa bayan ng Bambang.
Nanalo naman ng tig-P70,000 ang siyam na mananaya na nakalimang numero.
Tig-P820 naman ang panalo ng 819 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 14,383 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending