Adik na negosyante busy sa sayawan | Bandera

Adik na negosyante busy sa sayawan

Den Macaranas - October 28, 2016 - 12:10 AM

ILANG linggo ring nasa labas ng bansa ang isang kilalang negosyante hindi lamang para simulan ang kanyang drug rehabilitation kundi para makaiwas sa “Oplan Tokhang”.

Ayon sa ating Cricket, busy ang ating bida sa pagsasayaw nabahagi ng kanyang rehabilitation.

Kailangan daw niya ng dibersyon habang nasa process ng withdrawal sa kanyang hindi magandang bisyo.

Pero ang mas malalim dito ay pansamantala munang inalis sa kanya ang pamamahala sa isa sa mga negosyo ng kanyang pamilya at ito ay may kinalaman sa retail industry.

Alam ng kanyang pamilya na babagsak ang negosyo kapag patuloy nilang ipinagkatiwala kay Sir ang pagpapatakbo rito.

Marami ang nanghihinayang at nalulong sa ilegal na droga ang negosyanteng ito na mula sa angkan ng isa sa mga itinuturing na crony ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kung dati ay malinis siyang tingnan dahil bukod sa “kutis mayaman” at educated pa siya sa abroad pero ngayon ay para siyang nagmumurang kamias sa kanyang itsura.

Bukod kasi sa pagbagsak ng kanyang pangangatawan ay may ilang tattoo na rin siya sa kasalukuyan.
Hindi mumurahing droga ang tinitira ni Sir dahil cocaine umano ang nakahiligan nito ayon pa sa ating Cricket.

Natatawa pang sinabi ng ating Cricket na hindi tango, ballroom o chacha ang sayaw na pinagkaka-abalahan ni sir kundi hip-hop na para sa mga mas bata sa kanyang edad.

Kailangan daw niyang magpapawis nang husto para malinis ang kanyang sistema at mailabas ang mga residue ng droga sa kanyang pangangatawan.

Dapat niyang gawin ito dahil isusunod nang ilalabas ni Pangulong Digong ang pangalan ng mga celebrities, negosyante at ilan pang oligarch sa kanyang drug list.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang negosyante na na-rehab at abroad at itinutuloy ngayon dito sa bansa ang kanyang treatment ay si Mr. T….as in Talino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending