Maja ‘napa-ahhh’ nang makitang magka-date sina Bea at Gerald sa 2016 Star Magic Ball
ISA rin sa matinding pinag-usapan during the 2016 Star Magic Ball ang ilang awkward moments ng mga celebs na either solong dumating sa event or rumampang may ka-date.
Tawa kami nang tawa sa tsikang napa-ahhh na lang si Maja Salvador nang biglang sa paglingon niya sa red carpet kung saan siya ini-interview ay kasunod naman niya sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Ayon sa tsika, patapos na nga ang panayam kay Maja nang biglang out of nowhere ay sumipot ang very sweet couple na magka-holding hands pa at sila na nga itong next na iinterbyuhin sa area kung saan humihinto ang mga stars.
“Siyempre wala ring choice si Maja kundi ang lumingon dahil nagsasalita pa siya nang lumakas ang tilian ng marami sa pagdating nina Gerald at Bea, na hindi rin napansin na si Maja pala yung nasa unahan nila,” sey ng source namin.
“Ramdam na ramdam talaga namin yung pagkailang nila, pero bilang magagaling silang artista, siyempre glamor kung glamor ang mga ngiti at pose nila,” hirit pa ng kausap namin.
“Ahhhh, sabay hawi ng buhok,” ang natatawa pang tsika ng source namin sa ginawa ni Maja bago ito pasimpleng nagpaalam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.