Sikat na aktor may trauma sa pamilya kaya ayaw magpakasal
KUWENTO ng malalapit sa isang pamosong male personality ay malayung-malayo sa kanyang utak ang salitang kasalan. Wala raw ‘yun sa bokabularyo ng lalaking personalidad dahil kahit minsan ay wala siyang karelasyong niyayang magpakasal.
Hanggang paasa nga lang ba ang guwapo at magaling na aktor? Matagal naman siyang humawak ng relasyon, impernes, pero lahat ng ex niya ay nagsasabing kahit minsan ay hindi sila niyayang magpakasal ng magaling na aktor.
Kuwento naman ng isang dating malapit sa aktor, “Totoo ‘yun, hindi niya niyaya ang kahit sinong naging girlfriend niya. Wala sa kanya ang pagpapakasal, walang-wala ‘yun sa hinagap niya.
“Basta, makikipagrelasyon lang siya, hindi niya naman niloloko ang girl, mahal niya naman talaga, pero hanggang du’n lang ang kaya niyang ibigay.
“Nakakapagduda na nga siya, e. Baka kasi nagkaroon siya ng traumatic experience, baka meron siyang relative na hindi kagandahan ang naging resulta ng pagpapamilya!
“Baka nadala siya du’n, baka nakita niya mismo ‘yun, kaya ganyan siya kailap pagdating na sa issue ng kasalan. Never siyang nagyaya ng GF niya, hindi talaga,” sumpa ng aming impormante.
Kaya hanggang ganyan na lang ang guwapo at magaling na aktor, pa-girlfriend-girlfriend na lang siya, pero walang planong dalhin ang karelasyon niya sa altar.
“Hindi naman ipinipilit ang pagpapakasal, malay naman natin, baka kapag nakita na niya talaga ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay, e, magulat na lang tayong lahat!
“At kapag dumating ang time na ‘yun, e, isa lang ang puwede nating sabihin sa kanya, good luck at ingat!” pagtatapos ng aming source.
Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak na getlak n’yo na dapat kung sino ang male personality na ito dahil meron nang sumisigaw na clue tungkol sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.