CA ibinasura ang piyansa para kay Colanggo na naunang tumestigo vs de Lima | Bandera

CA ibinasura ang piyansa para kay Colanggo na naunang tumestigo vs de Lima

- October 24, 2016 - 04:09 PM
colanggo IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang petisyon na inihain ng convict na si Roy Gilbert Colangco para siya payagang makapagpiyansa. Matatandaang isa si Colanggo,  na mas kilala bilang Herbert “Ampang” Colanggo, sa mga testigo na iniharap ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre para idiniin si Justice Secretary Leila de Lima sa umano’y payola para payagan ang operasyon ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ng siya pa ang kalihim ng DOJ. Inaresto si Colanggo noong 2009 at nasintensiyahan ng habambuhay na pagkakabilanggo ng Parañaque Regional Trial Court noong Mayo 10, 2013.

Pinangungunahan ngayon ni Colanggo ang Carcel Side ng Maximum Security Compound ng NBP na may 7,000 miyembro mula sa iba’t ibang gang sa Visayas at Mindanao.

Isinasangkot si Colanggo sa iligal na droga sa loob ng NBP at pinakayumamang preso habang nakakulong.

Idinahilan ni Colanggo ang kanyang kalusugan para siya payagang makapagpiyansa at makapagpagamot sa labas ng NBP.

“We find no merit in accused-appelant’s [Colanggo] petition for bail … Considering that bail pending appeal is only discretionary when the applicant is convicted of an offense not punishable by death, reclusion perpetua or life imprisonment, accused-appellant is not eligible to be granted bail as a matter of course,” sabi ng CA.

Nagawa pa ni Colanggo na makapagrekord ng music video habang nasa NBP.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending