Call center di lalayas—Malacañang | Bandera

Call center di lalayas—Malacañang

- October 23, 2016 - 07:38 PM

rodrigo duterte

PINAWI ng Palasyo ang pangamba ng publiko na aalisin ng mga kumpanya mula US ang kanilang Business Processing and Outsourcing (BPO) sa Pilipinas bunsod ng pagkalas ni Pangulong Duterte sa Amerika.
Sa panayam sa go-vernment-run Radyo ng Bayan, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na kumpiyansa siyang ikukunsidera ng mga negosyante mula sa US ang kalidad at murang pagnenegosyo sa bansa sa larangan ng BPO at call center industry.
“Tingnan na lang natin ‘yun panawagan ni Barack Obama noong siya ay tumatakbo pa noong 2008. Ang sinabi po ni Barack Obama noon ay gusto niyang bumalik ang mga BPO, mga call centers na bumalik sa Amerika, pero hindi po sila bumalik,” ani Andanar.
Idinagdag niya na mas matipid mamuhunan sa Pilipinas kaya mas gugustuhin ng mga kumpanya mula sa US na manatili sa bansa.
Tinatayang 1.1 milyong Pinoy ang mawawalan ng trabaho sakaling mag-alsa balutan ang mga BPO at call center mula sa US dahil sa pahayag ni Duterte na tina-tapos na nito ang pakikipag-alyansa sa US.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending