1 Pinoy crew, kapitan ng isang Koreanong barko dinukot ng Abu Sayyaf sa karagatan ng Tawi-Tawi
DINUKOT ang isang kapitan ng isang Koreanong barko at isang Pinoy crew ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf sa karagatan ng Tawi-Tawi, kahapon.
Sinabi ni Major Filemon Tan, public information chief ng Western Mindanao Command na nakabase sa Zamboanga City, na na-hijack ang Korean MV Dong Bang Giant ng 10 armadong kalalakihan sakay ng isang speedboat malapit sa bayan ng Bongao.
Kinilala ang kapitan ng barko na si Park Chul Hing at Pinoy crew na si Glenn Alindajao, na mula sa Cebu.
Idinagdag ni Tan na base sa inisyal na report, mga miyembro ng Abu Sayyaf sa ilalim ni Jul Hassan, subleader ng Idang Susukan ang nasa likod ng pagdukot.
“The Joint Task Force Tawi-Tawi alerted all units and dispatched military assets for counteraction,” sabi ni Tan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.