Kagawad sa Leyte, mister, na iniuugnay kay Kerwin Espinosa, huli sa P5.9M shabu
ARESTADO ang isang kagawad ng barangay mula sa Baybay City, Leyte at kanyang mister na iniuugnay sa big time drug lord na si Rolando “Kerwin” Espinosa Jr. matapos mahulihan ng P5.9 milyong halaga ng shabu sa Barangay Labangon, Cebu City, ganap na alas-10 ng gabi, kamakalawa.
Nakakulong sina Jesryl Bacalla, umano’y drug runner ni Espinosa, at kanyang misis na si Jean, kagawad ng Barangay Poblacion Zone 3 sa Baybay, Cebu City Police Office (CCPO) kung saan sila nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Naaktuhan si Bacalla, 43, na nagbebenta ng isang pakete ng shabu sa isang undercover na pulis sa kanyang inuupahang apartment.
Nakumpiska rin ng mga pulis ang isang bag na naglalaman ng 500.5 gramo ng shabu sa loob ng kanyang kuwarto.
Inaresto rin Jean, 46.
Isang video rin ang natagpuan sa mga cell phone ng mga suspek kung saan makikitang sumisinghot sila ng shabu.
Sinabi ni Senior Supt. Joel Doria, director ng CCPO na miyembro si Bacalla ng grupo ni Espinosa na pumunta sa Cebu City noong isang buwan para hindi maaresto sa Baybay City.
“Jesryl knew policemen in Leyte were looking for him so he decided to come to Cebu City to hide himself,” sabi ni Doria.
Inamin ni Bacalla na siya ay isang drug runner, bagamat itinangging miyembro siya ng grupo ni Kerwin.
Arestado rin ang pinamatandang anak ng mag-asawa at nakakulong sa Baybay City matapos mahulihan ng droga.
Kasama ng mag-asawa ang tatlong anak ng sila ay maaresto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.