Ai Ai mapapabilis ang kasal kay Gerald dahilsa ibibigay na award ng Santo Papa | Bandera

Ai Ai mapapabilis ang kasal kay Gerald dahilsa ibibigay na award ng Santo Papa

Cristy Fermin - October 20, 2016 - 12:05 AM

aiai delas alas at gerald anderson

MUKHANG mapapaaga ang planong pagpapakasal nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan. Sa kanilang deklarasyon nu’n ay magpapalipas pa sila nang apat na taon bago sila magpakasal dahil mag-iipon pa raw ang binata.

Nagtapos na sa kolehiyo si Gerald, titulado na ang boyfriend ng Philippine Comedy Queen, masayang-masaya ang komedyana dahil nakita niya kung paano nagsakripisyo si Gerald para lang makapagtapos.

“Napakalayo ng Quezon City sa school niya, nasa Taft Avenue ang La Salle, pero napakaaga niyang gumigising para hindi siya ma-late dahil sa sobrang traffic. May disiplina siya.

“I’m so proud of him, nakita ko sa kanya ang taong nangangarap, masipag siya, matiyaga,” papuri pa ni AiAi sa kanyang darling.

Pero dahil sa tatanggaping Papal award ng aktres ay mukhang mababawasan na ang taon ng kanilang paghihintay, mula sa apat na taon ay magiging dalawa na lang ‘yun, bawal silang magsiping nang hindi pa sila ikinakasal.

Kailangang maging celibate si Ai Ai dahil bawal ang pagkakaroon ng panglupang katawang kasiyahan, kakambal ‘yun ng matinding parangal na tatanggapin niya, magsasakripisyo siya.

Ito na ang premyong nakadisenyo para sa mga taong tumutulong nang tahimik lang, walang mga camera at ingay, sa kanyang sariling paraan ay maraming magagandang ginagawa ang Philippine Comedy Queen para sa ating mga kababayan lalo na sa hanay ng simbahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending