Mark nakuha ang simpatya ng madlang pipol
NAMUMUKOD-TANGI si Mark Anthony Fernandez sa mga so far ay natimbog at tiyak na matitimbog pa ng mga awtoridad sa usapin ng droga in the days to come.
The third to have fallen into the dragnet, kaiba sa mga naunang sina Sabrina M at Krista Miller, obviously ay wala tayong naririnig na, “Buti nga sa kanya!” patungkol kay Mark.
Oo nga’t noon pa man ay balita nang hooked on drugs si Mark—dahilan para maipa-rehab siya yet to no avail pa rin—ang inaasahang reaksiyon ng publiko would have been negative to the point of pilloring him.
Pero hindi ganu’n ang nangyari. Mas lamang ang komento ng pang-unawa, ng paghanga sa pagkatao ni Mark bilang mabait, marunong makisama, marespeto at walang kaangas-angas na tao sa kabila ng pamilyang pinagmulan.
Since his day of arrest hanggang sa nailipat na sa ibang selda, we haven’t heard anyone say he deserved it, na mabulok siya sa kulungan, na pagdusahan niya ang kanyang ginawa dahil sa kanyang kalokohan. None.
It’s not because Mark is a far bigger star than the two starlets, not that. ‘Yun ay dahil sa itinanim ni Mark sa showbiz—isama pa ang ipinunla ng kanyang mga magulang, including his stepmom Lorna Tolentino—through the years.
It’s not even his talent (although mahusay naman talaga si Mark), but his whole being that whoever will say, “Buti nga sa kanya!” ay lalabas pa ngang walanghiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.