Van ng pulis sinagasaan ang mga nagpoprotesta sa US Embassy | Bandera

Van ng pulis sinagasaan ang mga nagpoprotesta sa US Embassy

- October 19, 2016 - 04:47 PM

van

INARARO ng isang van ng pulis ang mga nagpoprotesta sa labas ng US Embassy sa Maynila.
Sinabi ng lider ng mga nagra-rali na si Renato Reyes na tatlo sa mga aktibistang estudyante ang nasagasaan ng van at dinala sa ospital.
Maraming ralyista ang inaresto ng mga pulis, matapos maghagis ng pulang pintura sa government seal ng US sa entrance ng embassy, dahilan para sumiklab ang komprontasyon.
Daan-daang mga aktibista ang lumahok sa protesta para isulong ang pagpapaalis ng mga tropa ng Amerikano kasunod naman ng naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapaalis sa mga sundalong Kano.
Kasalukuyang nasa China si Duterte para sa isang state visit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending