Muling pumutok ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulusan alas-4:58 ng umaga.
Tumagal ito ng siyam na minuto at umabot ng isang kilometro ang taas ng abo na ibinuga ng bukana nito.
Nakapagtala rin ang Phivolcs ng 28 volcanic earthquake sa nakaraang 24 na oras hanggang kahapon ng umaga.
Mula noong Oktobre 18, ang average na sulfur dioxide emission ay 176 tonelada kada araw.
Ipinaalala ng Phivolcs na nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan at ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa loob ng apat na kilometrong radius mula sa gitna ng bulkan dahil sa panginib na dala nito.
Binabalaan din ang mga piloto na iwasan ang pagdaan malapit sa bunganga ng bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending