‘Lawin’ supertyphoon na; Signal No.5 itinaas sa Cagayan, Isabela
GANAP nang isang supertyhoon sin”Lawin” habang patuloy ang paglakas nito bago pa tumama sa lupa sa Cagayan.
Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 5 ang Cagayan at Isabela.
Samantala, ang Metro Manila ay isinailalim na rin sa Storm Signal No. 1.
Sa alas-2 na bulletin ng Pagasa, sinasabi na dala ni “Lawin” ang hangin na 225 kilometro kada oras at pagbugso na 315 kph.
Ang sentro ay namataan may 300 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora, base sa pagtataya ala-1 ng hapon Mieyrkules.
Nasa Signal No. 4 naman ang mga sumusunod na lalawigan: Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mountain Province, Ifugao at Calayan Group of Islands.
Habang nasa Storm Signal No. 3 naman ang mga sumusunod: La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at northern Aurora. Signal No. 2 naman sa Batanes Group of Island, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, northern Zambales at northern Quezon kasama na ang Polilio islands.
Signal Number 1 naman sa buong Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, rest of Quezon, Cavite at Laguna. Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.