SC nagpatumpik-tumpik; hindi pa rin nagdesisyon sa Marcos burial
PINALAWIG ng Korte Suprema sa ikalawang pagkakataon ang ipinalabas na status quo ante (SQA) order na pansamantalang nagpapahinto sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginagawang preparasyon para sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sinabi ni SC Information Chief Theodore Te na pinalawig hanggang Nobyembre 8 ang SQA.
Unang ipinalabas ang SQA noong Agosto 23 kung saan nagpataw ito ng 20 araw, o hanggang Setyembre 12.
Matapos ang oral argument noong Setyembre 7, pinahaba ng Kataastaasang Hukuman ang SQA hanggang Oktubre 18.
Pitong petisyon ang inihain sa Korte Suprema na humihingi na ibasura nito ang planong pagpapalibing kay Macos sa LNMB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending