Lalaki nagpakamatay sa harap ng simbahan
Leifbilly Begas - Bandera October 17, 2016 - 12:52 PM
ISANG lalaki ang nagpakamatay malapit sa isang simbahan sa Quezon City kamakalawa.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa mabatid ang pangalan ng biktima na nakasuot ng dilaw na t-shirt, berde na short, at tinatayang 40-45 taong gulang.
Alas-8:30 ng umaga nang tumalon umano ang biktima mula sa footbridge sa tapat ng Saint Peter Church sa Commonwealth Ave., Brgy. Batasan Hills.
Agad na pinagkaguluhan ang biktima ng mga tao sa lugar.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang dahilan at nagawang magpakamatay ng biktima o kung mayroong foul play sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending