Bato iniuwi ang wanted na dating pulis mula sa biyahe sa Thailand
SINABI Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na naging produktibo ang kanyang biyahe sa Thailand matapos maiuwi ang isang dating pulis na kinasuhan ng abduction at murder dahil sa pagpatay sa isang Chinese-Filipino engineer.
Sa kanyang Facebook, ipinost ni dela Rosa ang kanyang litrato sa isang airport sa Thailand kasama ang nakaposas na pugante na si dating Police Offier 1 Alexander Pangilinan, isa umanong miyembro ng “Dos Pares” group na siyang itinuturong nasa likod na pagpatay kay Michael Chan noong 2005.
Sinabi ni dela Rosa na nagsilbi si Pangilinan bilang isang resort manager sa Thailand.
“A very productive hunting trip with this ex-cop fugitive who has been wanted for kidnapping for ransom with homicide as the catch. Suspect fled the country & evaded arrest for 10 years while employed as resort manager in Thailand,” ayon pa kay dela Rosa.
Naging panauhin si dela Rosa sa anibersaryo ng Royal Thai Police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.