DLSU Green Archers natumbok ang ika-9 sunod na panalo | Bandera

DLSU Green Archers natumbok ang ika-9 sunod na panalo

Angelito Oredo - October 15, 2016 - 11:00 PM

TILA hindi sumailalim sa operasyon si Jeron Teng matapos itong agad magtala ng team-high 21 puntos sa kanyang pagbabalik aksyon upang tulungan ang La Salle na mapanatili ang malinis na kartada sa pagbigo sa University of the Philippines, 78-72, sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament Sabado ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Dalawang laro na hindi nakasama ng Green Archers si Teng subalit tila wala itong ininda sa pagbabalik sa laro dahil sa foot injury upang tulungan ang La Salle na iakyat pa ang sunud-sunod nitong panalo sa siyam na diretso.

Naputol naman ang dalawang sunod na pagwawagi ng Fighting Maroons na natikman ang kanilang ikapitong kabiguan sa loob ng 10 laro.

Agad na umarangkada ang Green Archers sa paglimita sa Fighting Maroons sa 14 puntos lamang sa unang yugto habang inihulog ang 25 puntos na sinandigan na nito tungo sa panalo.

Nagdagdag si Ben Mbala ng 17 puntos at 20 rebounds para sa La Salle na dinagdagan ang selebrasyon sa pagwawagi sa ika-39 kaarawan ng bagong head coach na si Aldin Ayo.

Itinala ng Green Archers ang pinakamalaki nitong abante sa 16 puntos subalit hindi maipagpag ang Fighting Maroons na pilit na humahabol tuwing nagnanais itong umalagwa sa laro.

Namuno para sa UP si Paul Desiderio na naghulog ng 16 puntos at walong rebounds habang nag-ambag sina Jett Manuel at Gomez De Liano ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pinutol naman ng season host University of Santo Tomas ang limang sunod nitong kabiguan matapos na ipalasap ang ikatlong sunod na kabiguan sa National University, 73-69.

Kinansela rin ng UAAP Management Committee ang isasagawa sana ngayon na sagupaan sa pagitan ng UE at FEU at Adamson kontra Ateneo dahil sa posibleng banta sa pagdating ng bagyong Karen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending