Automatic membership sa PhilHealth | Bandera

Automatic membership sa PhilHealth

Liza Soriano - October 15, 2016 - 12:10 AM

Isang mapagpalang araw sa inyo. Ako po si Vicky dela Cruz, nakatira sa Golden City, Dasmarinas, Cavite. Lagi ko pong nababasa ang in-yong column at masigasig ang PhilHealth sa pagsagot sa mga katanungan. Nais kong itanong sa Philhealth ang tungkol sa case ng mama ko. Isa na siyang senior citizen. May nabalitaan po ako na ang mga senior citizen ay awtomatiko nang miyembro ng PhilHealth at wala nang dapat bayaran. Saan ako maaaring makipag-
ugnayan tungkol sa PhilHealth ng mama ko.
Thanks po.
Vicky dela Cruz
Golden City,
Dasmarinas, Cavite
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na maaari pong magparehistro ang isang senior citizen sa ilalim ng RA10645 o ang “Mandatory PhilHealth Coverage for all Senior Citizens” sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng municipalidad ng inyong lugar. Maaari rin pong magsadya sa pinakang malapit na PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO). Dalhin lamang po ang mga sumusunod na dokumento:

Maaayos na pinunang PhilHealth Member Registration Form (PMRF); isang updated na 1×1 picture (photo taken within the last 6 months); at Senior Citizen’s ID card na nanggaling sa OSCA o anumang dokumento na magpapatunay sa kanyang pagkakakilanlan at kanyang edad tulad ng Birth Certificate o passport.

Ang mga miyembro na nakapagparehistro na sa ilalim ng Senior Citizen category ay maaaring makapag-avail ng PhilHealth benefits nang walang binabayaran na kontribusyon.

Samantala, amin pong ipinaalala na hindi po maaaring magpa-rehistro ang kasalukuyang miyembro na ng PhilHealth sa ilalim ng Sponsored o indigent program at lifetime member program.

For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph

Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

qqq
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending