Barangay Ginebra Kings pipiliting itabla ang Finals series sa 2-all | Bandera

Barangay Ginebra Kings pipiliting itabla ang Finals series sa 2-all

Melvin Sarangay - , , October 14, 2016 - 01:00 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Leo Awards
8:10 p.m. Meralco vs Barangay Ginebra
(Game 4, best-of-seven championship series)

TULAD noong Game Two ay papasok ang Barangay Ginebra Gin Kings sa laro ngayon kontra Meralco Bolts na may misyong manalo at makatabla ang serye.

Pero hindi tulad noong Game Two, mas matindi ang pressure ngayon para sa Gin Kings na manalo sa Game Four ng 2016 PBA Governors’ Cup best-of-seven Finals ngayong alas-8:10 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kapag nabigo kasi ang Barangay Ginebra ngayon ay malulubog ito sa 1-3 at bagaman may pag-asa pa itong magkampeon ay mahihirapan na itong makabangon.

Matapos mabigo sa overtime sa Game One, 114-109, ay rumesbak ang Gin Kings sa Game Two, 82-79, para itabla ang serye pero muli silang nabigo sa Game Three noong Miyerkules, 107-103.

Bagaman may 2-1 bentahe ang Meralco ay hindi pa rin masasabing llamado na ito sa Game Four ngayon dahil sa unang tatlong laro sa serye ay dikitan lagi ang laban.

Samantala, isasagawa ngayong alas-7 ng gabi ang 2016 PBA Annual (Leo) Awards bago ang Game Four ng Finals duel ng Barangay Ginebra at Meralco.

Paul Lee-James Yap blockbuster trade
Mukhang dahan-dahan nang binabaklas ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang ‘playoff-tested’ lineup matapos magsagawa ng blockbuster trade para makuha si two-time season Most Valuable Player James Yap mula sa Star Hotshots kapalit ni superstar point guard Paul Lee.

Bago ang Yap-Lee blockbuster trade ay ipinadala ng Rain or Shine si JR Quinahan sa Globalport Batang Pier kapalit ni veteran forward Jay Washington.

Si Lee ay naunang napabalita na inalok ng Rain or Shine ng three-year, maximum contract extension.
Bago ang mga nasabing trade ng Rain or Shine ay lumipat ang dating head coach nitong si Joseller “Yeng” Guiao sa NLEX Road Warriors noong nakaraang linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending