Julie Anne balak mag-audition sa Miss Saigon
MAGPAPASARAP muna sa Pilipinas si Rachelle Ann Go ngayong Pasko bago sumabak sa bagong challenge ng “Miss Saigon” sa Broadway, New York City.
Sa January, 2017 ay magsisimula na si Rachelle sa stint niya sa Broadway bilang Gigi ng “Miss Saigon”.
Nabigyan na rin kasi siya ng Actor’s Equity para makapag-perform sa NY kaya lubos ang kasiyahan ng ating kababayan.
Kung may singer tayong puwedeng gayahin ang ginawa ni Rachelle, ‘yan ay walang iba kungdi si Julie Anne San Jose. Nang tanungin kasi ang Asia’s Pop Sweetheart sa presscon ng “When Julie Anne Meets Christian” concert nila ni Christian Bautista, inamin niyang sinubukan din niyang mag-audition noon sa “Miss Saigon.”
“Nagkasakit lang ako nang dumating ‘yung notice sa akin ng audition,” sabi ni Julie Anne.
Pero payag daw siyang gayahin ang yapak ni Rachelle Ann. Handa rin daw siyang talikuran ang local career niya kung mabibigyan ng pagkakataon sa Broadway.
Malay natin, after Rachelle Ann, isang Julie Anne naman ang magtayo ng bandera ng Pilipinas sa mga Broadway musicals, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.