Anong negosyo ang magbibigay ng suwerte? (2) | Bandera

Anong negosyo ang magbibigay ng suwerte? (2)

Joseph Greenfield - October 13, 2016 - 01:55 PM

Sulat mula kay Marjorie ng Katalbasa, Sagay City, Negros Occidental
Problema:
1. May anak po akong nagse-seaman at kauuwi nya lang nitong August kung saan, binigyan po ako ng kaunting puhunan ng anak kong ito at sa ngayon balak kong magnegosyo. Isinilang ako noong Enero 8, 1965 at Oktubre 23, 1966 naman ang mister ko. Ano po ba ang suwerteng negosyo para sa amin?
2. Ang balak kasi ng mister ko ay bumili ng mga kambing at baka, susuwertehin kaya kami sa ganoong negosyo? Ang balak ko naman ay magtayo ng tindahan o grocery sa poblacion. Saang negosyo po ba kami papalarin at susuwertehin na mag-asawa upang hindi na kami umaasa pa sa aming mga anak?
Umaasa,
Marjorie ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ay pinaghaharian ng elementong lupa. Ibig sabihin anumang may buhay na naninirahan sa lupa at nakatindig sa lupa ay magibigay sa iyo ng suwerte. Bukod sa pag-hahayupan na nabubuhay sa lupa, mapalad ka rin sa paghahalaman at sa tindahan. Kung tindahan mas mainam ang mga produktong butil o kaya’y bungang kahoy at lamang ugat na direktang nanggagaling din sa lupa.
Numerology:
Ang birth date mong 8 ay nagsasabing bukod sa kambing at baka, mas mainam na magsimula muna kayo sa pag-aalaga ng baboy. Pagkatapos magkaroon ng babuyan, bumili kayo ng sariling sasakyan, at pagkatapos magtayo kayo ng tindahan na may kaugnayan sa agricultural products o kaya’y tindahan ng sari-saring mga butil ng bigas, mais, munggo, kape, beans at iba pang kauri nito, puwede din ang mga feeds o patuka sa manok at pagkain ng baboy. Sa ganyang mga negosyo, makikita mo mas mabilis kayong yayaman.
Luscher Color Test:
Sa pagnenegosyo ugaliing gumamit ng kulay na berde at pula, ang nasabing mga kulay ang hihigop ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran.Edit Edit date and time
Huling payo at paalala:
Majorie ayon sa iyong kapalaran ituloy mo lang ang binabalak ninyong negosyo ng mister mo sa susunod na taong 2017. Sapagkat sa nasabing negosyo na may kaugnayan sa paghahayupan, natakda ang magaganap – sa taong 2020, sa edad mong 55 at 54 naman si mister, mayamang-mayaman na kayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending