Anne napaungol, pinawisan sa kissing scene nila ni Dennis | Bandera

Anne napaungol, pinawisan sa kissing scene nila ni Dennis

Ervin Santiago - October 09, 2016 - 12:01 AM

anne paolo dennis

NAPAUNGOL si Anne Curtis sa kissing scene nila ni Dennis Trillo sa pelikulang “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?” ng Viva Films kung saan makakasama rin nila si Paolo Ballesteros.

May tema ng kabaklaan ang pelikula sa direksiyon ni Jun Lana, pero paglilinaw ng mga bida, hindi raw ito basta gay film lang dahil siguradong makaka-relate ang lahat ng girl, boy, bakla, tomboy sa kuwento.

Sa presscon ng movie nitong nakaraang Biyernes, inamin ni Anne na medyo na-awkward siya sa halikan nila ni Dennis, dahil first taping pa lang ay iyon agad ang ginawa nila.

“Nagmo-moan ako habang kini-kiss ko siya. Pawis na pawis pa ako sa eksena, sobrang init kasi!” ang paliwanag ni Anne habang tawa nang tawa. Aniya, ‘yun daw ang ginawang style ni direk Jun Lana para maging komportable agad sila ni Dennis.

Nang tanungin naman si Dennis tungkol sa kissing scene, “Nu’ng una, medyo kinabahan kasi, first time nga kaming nagkatrabaho ni Anne, tapos ganu’n agad. Okay naman, nu’ng nagki-kiss kami, gumagawa siya ng sounds na parang nasasarapan siya.

“Mas mahirap nga ‘yun para kay Anne kasi siya ang gumagawa ng sounds, ako nakikinig lang ko. Tapos umuungol siya. So, nakakatuwang lumabas ‘yung scene na ‘yun,” kuwento pa ni Dennis.

Samantala, tumanggi munang i-reveal ng tatlong bida ng “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?” at maging ng direktor nito kung bading din ba o straight ang role ni Dennis sa movie at kung kanino siya mapupunta sa ending – kay Anne ba o kay Paolo?

Ayon kay Dennis, napakasaya nilang lahat sa shooting habang ginagawa ang movie, parang hindi lang daw sila nagtatrabaho dahil tawa lang sila nang tawa. Malaki rin daw ang naitulong nina Anne at Paolo para mabigyan niya ng justice ang kanyang karakter.

“Nakatulong nang sobra-sobra kasi silang dalawa pa lang, sulit na ang pelikula at dinagdag pa nila ako.

“Napakasarap makatrabaho ang mga seryosong tao talaga at talagang nasa puso nila ang page-entertain,” chika pa ng Kapuso Drama King.

Showing na ang “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?” sa Oct. 19 sa mga sinehan nationwide.

q q q

Sa ginanap ding presscon ng “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?” ay natanong din si Paolo Ballesteros tungkol sa “gender issue” sa kanya.

Halos lahat na lang kasi ng ginagawa niyang proyekto ay may tema ng kabaklaan, mukhang nalilinya na raw kasi siya sa mga gay role.

Ang naging sagot ng host ng Eat Bulaga, “Action speaks louder than words! Ha-hahaha!” Aniya, nagpapasalamat pa nga raw siya dahil mula nang makuwestiyon ang pagkakalaki niya ay dumami pa ang kanyang projects.

Hirit pa ni Paolo, “Hindi rin ako sure, e. Secret walang clue! Basta watch watch na lang kasi nga action speaks louder than words. Ganon! Hindi na kailangan i-verbalize.”

Aside from “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?”, tapos na rin ni Paolo ang isa pa niyang pelikula na siya lang ang bida, ang “Die Beautiful.”

“Excited din ako sa project na ito kasi pupunta kami sa Japan for the festival (Tokyo International Film Festival). Same group with direk Jun Lana and nakaka-proud kasi mahirap kasi yung ginawa namin doon e, so nu’ng pinanood namin ‘yung trailer parang nakakaiyak ang mga eksena.”

Proud na proud si Paolo sa nasabing pelikula dahil talagang hands-on daw siya sa mga eksena niya rito, lalo na kapag nagme-make up transformation na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako mismo ang nagme-makeup sa sarili ko tapos ako lagi ang nauuna sa set bago pa mag-call time kasi mag-makeup pa ako tapos ako unang eksena kukuhanan kasi halos lahat ng eksena buong araw ako.

“Okay naman kasi well thankful ako kasi kumbaga meron akong specialty parang ‘si Paolo ay magaling sa ganitong bagay iyan’ so meron na akong isang forte. Pero still I consider myself as an artist pa rin. I mean ganu’n din ‘yung sa personality ko e, marami pa akong gustong gawin na roles so I make sure na iba ‘yung atake sa kanila,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending