AFP: Mga suspek sa pambobomba sa Davao City arestado
SINABI ng militar na naaresto ang mga pinaghihinalaang nasa likod ng pambobomba sa isang night market sa Davao City noong isang buwan kung saan 15 katao ang namatay.
Sa isang media advisory, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na nakatakdang iprisinta ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga suspek.
Tinatayang 15 ang namatay, samantalang 70 iba pa ang nasugatan sa nangyayaring pambobomba noong Setyembre 2.
Nagsampa ang mga otoridad ng patong-patong na kaso laban sa siyam na suspek, kung saan isa rito ang kinilala bilang eksperto sa paggawa ng bomba na may koneksyon sa isang international terror group. Hindi naman pinangalanan ang mga suspek.
Naging dahilan ang insidente para magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of national emergency sa Mindanao.
Nag-alok naman ng P3 milyon para sa ikaaaresto ng mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.