DAPAT ay pag-isipang mabuti ni Pangulong Digong ang kanyang plano na patalsikin ang mga sundalong Kano sa bansa.
We should not burn our bridges with the US.
Huwag ibasura ang Enhanced Defense Cooperative Agreement (Edca) dahil lang naging kritiko ang America sa kampanya natin laban sa ipinagbabawal na gamot.
Both the US and the Philippines benefit from the war games under
Edca.
Kung magiging
emosyonal tayo dahil sa pagbatikos ng America sa mga maraming napapatay na mga drug pushers at drug dealers, baka mawalan tayo ng matagal nang kaibigan.
By all means, kaibiganin natin ang Russia at China na nag-alok ng kanilang kamay ng pagkakaibigan.
Pero puwede namang maging kaibigan ang US, Russia at China—all at the same time.
***
May dahilan kung bakit galit si Pangulong Digong sa America sa pagbatikos nito sa war on drugs ng Pilipinas.
The US government is playing double standards.
Bakit ayaw ng America ang mga pagpatay sa mga drug dealers samantalang tinulungan ang mga gobyerno ng Colombia at Brazil sa pagsugpo ng droga sa mga bansang nabanggit?
Maraming napatay sa Colombia sa kampanya ng gobyerno nito sa droga, pero hindi binabatikos ng US ang extrajudicial na paraan nang pagpatay roon.
Mga miyembro ng US Drug Enforcement Agency (DEA) ay nag-deploy ng mga intelligence agents sa Colombia at tumutulong sa paghuli at pagpatay sa mga drug traffickers.
Sa Brazil, ilang miyembro ng elite US Navy Seals ang sumasama sa Colombia police sa pakikipaglaban sa mga Red Commandos, isang grupo ng drug cartel. (Source: Gangster Warlords by Ioan Grillo)
Bakit kinukonsinte ng US ang Colombia at Brazil sa kanilang kampanya laban sa droga—at sumasali pa nga ang Kano sa pakikipagbarilan sa mga drug syndicates—samantalang binabatikos si Digong sa kanyang kampanya sa droga?
Hindi ba pagiging ipokrito ito ng US?
***
Humingi ng paumanhin ang pangulo sa mga Jews sa kanyang sinabi na papatayin niya ang tatlong milyong adik ng bansa, at ikinumpara niya ang mga ito sa mga Jews na pinatay ni Hitler.
Dalawang beses nang nag-public apology si Digong, ang una ay kay dating Pangasinan governor at ngayon ay Congressman Amado Espino at dalawang opisyal ng nasabing lalawigan.
Ang maganda kay Digong ay umaako siya ng kanyang pagkakamali at nagpapakita ng pagsisisi.
Pero huwag naman sana panay-panay ang kanyang paghingi ng paumanhin dahil masisira rin ang kanyang kredibilidad.
***
Ang LBC ay maaaring matatawag na ngayon na Late Baggage Corp. o Lost Baggage Corp.
Pero walang pakialam ang kumpanya kung anong itawag sa kanila.
Marami na ring beses na nakatanggap ang aking programang “Isumbong mo kay Tulfo” ng reklamo laban sa LBC dahil sa pagkawala ng kanilang bagahe o hindi nakarating ang perang pinadala nila.
Ang huling nagsumbong sa amin ay si Michelle Balinas ng Cainta, Rizal, na nagpadala ng P25,750 kay Edgardo Ybanez sa Biliran na hindi nakarating.
Pinadala ni Balinas ang pera sa pamamagitan ng LBC Ortigas office sa Pasig.
Nang magreklamo si Balinas sa LBC ay sinabi sa kanya na haharapin nila ang reklamo sa korte.
Ibig sabihin ay hindi nila pinanagutan ang pagkawala ng pera.
“Hari ng Padala” kanyo?
Baka “Hari ng Kapalpakan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.