Jay Manalo umabot na sa 11 ang mga anak, meron na ring apo sa panganay
LABING-ISANG lahat ang anak ni Jay Manalo sa anim na babae.
Pero itong huli niya ang siyang nagpabago sa buhay niya lalo na nu’ng lumabas ang bunso nilang anak na babae na “girlfriend” pa nga ang tawag niya.
Humarap si Jay sa presscon ng movie na Higanti” kung saan muli silang nagkasama ni Assunta de Rossi after nu’ng unang movie nilang ginawa noon na “Hubog”. Matikas pa rin at nandoon pa rin ang kaguwapuhan ng magaling na aktor.
“Sa asawa ko ngayon, apat. Wala nang madadagdag. Medyo mahirap na ngayon,” sambit ni Jay.
May magsu-showbiz ba sa mga anak niya? “Medyo. Actually, may nagsabi sa akin. Sabi ko, ‘Anak, puwede bang ipagawa mo muna sa akin ang obligasyon ko? Once nagawa ko na, bibigyan na kita ng go signal.’
“Tulad nito. Huwag ninyong mamasamain ang sasabihin ko. Hindi ko dini-discourage. As much as possible, sa mga anak ko ngayon, pagka may palabas ako sa TV, patulugin nang maaga.
“Kasi ayokong…hindi ko naman sinasabing wag sumunod sa yapak ko. Ayoko kasi pagdaanan nila ang pinagdaanan ko dito sa mundo ng showbiz,” katwiran ng aktor.
Dalawang anak ni Jay ay pareho ng 24 years old. Nagsukob daw ‘yon. ‘Yung pinakapanganay na anak na lalaki ay may apo na siya.
Sa panig naman ni Assunta na wala pang anak after 14 years of marriage kay Jules Ledesma, tinatrabaho na nila ang pagkakaroon ng baby kaya bawal muna siyang tumanggap ng daily soap.
Bago ilabas dito, sa Hong Kong at Dubai muna ang target countries kung saan ilalabas ang Higanti mula sa Gitana Film Productions. Si Rommel Ricafort ang director ng pelikula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.