Backpay sa SSS | Bandera

Backpay sa SSS

Liza Soriano - October 01, 2016 - 02:31 PM

ISANG pagbati para sa bumubuo ng inyong pahayagan. Palagi po akong nagbabasa ng Inquirer Bandera at batid ko na marami ang natutulu-ngan ng inyong column lalo na sa mga may problema o katanungan sa SSS. Malaking tulong ang natatanggap na SSS pension ng aking mga magulang. Sa pagbili ng gamot, pagkain lalo na’t kaming magkakapatid ay may kanya-kanya na ring pamilya. Gusto ko lang sana na itanong kung may old age pension backpay na maaaring matanggap ang aking mga magulang. Makadaragdag din ito sa kanilang panggastos. Gusto ko na rin sanang itanong kung ano ang ACOP na puspusan ang kampanya ng SSS. Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan . Salamat po.
Emelita Real

REPLY: Bilang tugon sa email mula sa anak ng letter sender sa SSS na nagtatanong kung “maaari bang makatanggap ng old age pension backpay” ang mga ito.

Bagamat hindi po maliwanag sa amin ang ibig sabihin ng “old age pension backpay,” base sa rekord, ay tumatanggap ng buwanang pensyon sa pamamagitan ng retirement benefit program simula pa noong July 30, 2007. Bukod pa rito, siya din po ay tumatanggap ng pensyon sa ilalim naman ng death benefit program bilang survivor spouse ng yumaong SS member, simula noong August 2000. Ang benepisyo sa pagreretiro ay ibinibigay mula petsa kung kailan naging kwaliipikado ang isang member sa benepisyo kung kaya’t wala itong “backpay”.

Samantala, kung ang ibig sabihin ng “back pay” ay ang pension adjustment dahil sa posting ng 1985-1989 contributions, nais po naming ipaalam na wala pong makukuhang adjustment dahil naging miyembro lang siya noong May 1990.

Samantala, ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay isang programa ng SSS kung saan kailangang magpunta ang miyembro o kanyang benepisyaryo sa buwan ng kanyang kapanganakan sa alinmang opisina ng SSS upang magreport at magsumite ng ACOP form at dalawang valid IDs.

Ayon po sa rekord, kailangang magsumite ng pinunuang ACOP form sa SSS para sa kanyang retirement pension sapagkat noong July 30, 2015 pa po siya huling nagreport.

Pinaaalalahanan po namin siya na magfile ng ACOP tuwing buwan ng kanyang kapanganakan at maaari na rin po niyang isabay ang para sa kanyang death pension upang maiwasan ang paghinto ng kanyang mga pensyon.

Para po sa inyong mga katanungan, maaari rin po kayong mag-email sa [email protected] o tumawag sa call center 920-6446 hanggang 55.

Sana ay aming
nabigyang-linaw ang
inyong katanungan.

Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs
Department

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending