Mga Laro Ngayon (SM Mall of Asia Arena)
10 a.m. San Beda vs Arellano (jrs)
11:45 a.m. Mapua vs St. Benilde (jrs)
2 p.m. San Beda vs Perpetual Help (srs)
4 p.m. Arellano vs Mapua (srs)
TANGAN ng San Beda College at Arellano University ang twice-to-beat advantage laban sa kani-kanilang katunggali sa Final Four ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament ngayon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kaya pakay ng Red Lions at Chiefs na manaig ngayon kontra Perpetual Help Altas at Mapua Cardinals para agad na maikasa ang paghaharap ng San Beda at Arellano sa best-of-three championship round.
Winalis ng San Beda ang dalawa nitong laro laban sa Perpetual Help sa elimination round, 99-70 at 84-75.
Dalawang beses ding tinambakan ng Arellano ang Mapua sa elims, 96-75 at 95-82.
Gayunpaman, kailangan pa ring mag-ingat ang Red Lions at Chiefs dahil mabibigat na mga kalaban pa rin ang Altas at Cardinals.
Samantala sa Final Four ng juniors division, maghaharap alas-10 ng umaga ang San Beda Red Cubs na nanguna sa juniors division at ang pumang-apat na Arellano Braves. Susundan ito ng sagupaan sa pagitan ng No. 3 Mapua Red Robins at St. Benilde Greenies ganap na alas-11:45 ng umaga.
Tangan ng San Beda at Mapua ang twice-to-beat advantage sa semis.
Agad itong susundan ng salpukan sa pagitan ng Red Lions na inokupahan ang unang puwesto matapos ang isinagawang playoff at Altas sa ganap na alas-2 ng hapon bago ang pinakahuli na paghaharap ng Chiefs kontra sa Cardinals dakong alas-4 ng hapon.
Nanguna ang San Beda sa juniors division sa itinalang 17-1 kasunod ang Mapua na may kabuuang 15-3 panalo-talo habang magkasalo naman sa ikatlo at ikaapat ang La Salle at Arellano na kapwa may 13-5 karta.
Nagsalo naman ang Red Lions at Chiefs sa 14-4 kartada bagaman napunta sa una ang unang silya matapos magwagi sa kanilang playoff game noong Martes. Ang Cardinals ay may 12-6 karta habang 11-7 naman ang Altas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.