Gusto nang iwanan ang GF na hindi na virgin | Bandera

Gusto nang iwanan ang GF na hindi na virgin

Joseph Greenfield - September 30, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Aldryn ng Napocor Road, Fuentes, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
May girlfriend ako sa ngayon at masaya naman ang relasyon namin. Pero isang araw ay natuklasan ko at inamin niya sa akin na hindi na raw siya virgin. Simula nang malaman ko iyon, nanghinayang ako kasi asang-asa ako na sa edad niyang 19 ay malinis na malinis ko pa siyang maihaharap sa altar. Sa ngayon tuloy ay nagdadalawang isip ako kung makikipag-break na ba ako sa kanya o ituloy ko lang ang aming relasyon kahit na wala naman akong pangarap sa buhay ko na hindi na virgin ang aking mapapangasawa. Kaya sa ngayon naguguluhan ako kasi napamahal na siya sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin? Kami na kaya ang magkakatuluyan o may darating pang ibang babae sa akin na wala pang karanasan? September 7, 1992 ang birthday ko at May 11, 1997 naman ang birthday ng girlfriend ko.
Umaasa,
Aldryn ng Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na isang beses lang darating sa iyo ang isang tunay at wagas na pag-ibig. Ibig sabihin, maaaring ang kasalukuyan mong girlfriend ang iyong mapapangasawa.
Cartomancy:
“Hindi ka makakaligtas sa kasalukuyan mong girlfriend kahit na sabihin pang hindi na siya virgin.” Ito ang nais sabihin ng mga barahang Two of Clubs, Queen of Spades at Two of Hearts. Ibig sabihin, kahit na may pagdadalawang-isip ka ngayon, ang kasalukuyan mo pa rin girlfriend ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habangbuhay na pamilya.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending