MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Maglilimang taon na po ako sa trabaho pero nagdesisyon ako na mag-resign na lamang hanggang Deccember dahil gusto ko na lamang po sana magtayo ng kahit na maliit na negosyo para mabigyan ko ng oras ang pag-aalaga ang mga anak ko na nasa elementary at high school pa lamang. Bukod pa sa palagi akong sinusumpong ng akong asthma dulot na rin siguro ng sobrang pagod sa trabaho.
Mahirap din naman ang working mother na aalis ng maaga sa bahay at uuwi ng gabi na ay talaga naman kulang ang pag- aasikaso sa mga anak . Gusto ko sana na malaman sa DOLE kung magkano ang pwde kung makuha sa aking paghiwalay sa trabaho o separation pay.
Malaking tulong din ito para magamit na puhunan sa aking pagsisimula ng negosyo. Sana ay agad na masagot ang aking katanungan
Salamat
Elisa Bautista
Area 2 , Kaunlaran Village
Navotas City
REPLY: Sinumang manggagawa ay may karapatan sa separation pay kung siya ay nahiwalay sa trabaho sa mga dahilan na nakasaad sa artikulo 297 at 298 ng Labor Code of the Philippines.
Ang karapatan ng manggagawa sa separation pay ay nakabase sa dahilan ng kanyang pagkakahiwalay sa serbisyo.
Maaaring mahiwalay sa trabaho ang manggagawa kung may makatuwirang kadahilanan (i.e., malubha o palagiang pagpapabaya ng manggagawa sa kanyang mga tungkulin, pandaraya, o paggawa ng krimen), at iba pang mga kahintulad na dahilan na nakasaad sa Artikulo 296 ng Labor Code.
Sa pangkalahatan, maaari lamang magkaroon ng bayad sa paghihiwalay sa trabaho kung may mga awtorisadong kadahilanan.
Sinumang manggagawa ay may karapatan na mabayaran sa pagkahiwalay sa trabaho katumbas ng kalahating (1/2) buwang sahod sa bawat taon ng serbisyo. Ang panahong di-kukulangin sa anim (6) na buwan ay dapat ituring na isang (1) buong taon, kung ang dahilan ng pagkakahiwalay sa trabaho ay ang sumusunod na mga awtorisadong kadahilanan:
1. Pagtitipid ng gastos upang maiwasan ang pagkalugi (i.e., pagbabawas ng manggagawa para makaiwas sa pagkalugi).
2. Pagsasara o pagtigil ng operasyon ng establisimento o negosyo (ang dahilan ng pagsasara o pagtigil ay hindi sa matinding pagkalugi o financial reverses).
3. Kung ang manggagawa ay napag-alamang may sakit na hindi mapagagaling sa loob ng anim (6) na buwan at ang kanyang patuloy na pagtatrabaho ay makasasama sa kanyang kalusugan at sa kalusugan ng kanyang mga kapwa manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.