Bagong bagyo papasok sa Sabado | Bandera

Bagong bagyo papasok sa Sabado

Leifbilly Begas - September 29, 2016 - 05:02 PM
pagasa Isang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado.      Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo na may international name na Chaba ay nasa layong 2205 kilometro sa silangan ng Luzon.      Pagpasok sa PAR ay tatawagin itong bagyong Helen.      Mayroon itong hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 95 kilometro bawat oras. Umuusad ito patungong kanluran sa bilis na 20 bawat oras.      “It is not expected to directly affect any part of the country,” saad ng advisory ng PAGASA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending