Subpoena para sa de Lima hearing pinirmahan na | Bandera

Subpoena para sa de Lima hearing pinirmahan na

- September 28, 2016 - 06:54 PM
 de lima Pinirmahan na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga subpoena para sa limang testigo na ipatatawag sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on justice sa operasyon ng sindikato ng droga sa loob ng New Bilibid Prison.      “I just signed it,” sagot ni Alvarez ng tanungin kaugnay ng subpoena.       Kasama sa padadalhan ng subpoena si Jaybee Sebastian, ang umano’y nag-centralized ng operation ng bentahan ng droga sa NBP. Ginawa umano ito upang makaipon ng pondo para sa kandidatura ni de Lima.       Ipatatawag din sina Joenel Sanchez, ang security aide ni Sen. Leila de Lima noong kalihim pa ito ng Department of Justice at miyembro ng Presidential Security Group; bodyguard/driver ni de Lima na si Ronnie Dayan; dating Bureau of Corrections director Franklin Bucayo at Reginald Villasanta, ang executive director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.      Si Dayan umano ang tumanggap ng P10 milyong drug money at si Sanchez ay nagsilbing bagman.      Inakusahan si Bucayo na tumanggap ng P1.2 milyon kada buwan mula sa pentagon ng droga.      Si Villasanta naman ay nabanggit ni PNP Director Benjamin Magalong na kasama umano sa operasyon ng i-raid ang NBP noong 2014. Nagresulta ang raid sa paglilipat sa tinaguriang Bilibid 19 sa National Bureau of Investigation.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending