Female star galit na galit kay Sabrina M, tulong pinansyal sa droga pala napupunta | Bandera

Female star galit na galit kay Sabrina M, tulong pinansyal sa droga pala napupunta

Cristy Fermin |September 28,2016
facebook
share this

Female star galit na galit kay Sabrina M, tulong pinansyal sa droga pala napupunta

Cristy Fermin - September 28, 2016 - 12:20 AM

sabrina m

MASAMANG-MASAMA ang loob ng isang female personality sa pagputok ng balita ng pagkakahuli kay Sabrina M, dating sexy star, dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ginagawa kasing “palabigasan” ni Sabrina ang babaeng personalidad, lahat-lahat na lang ay hinihingi niya sa kanyang kaibigan, marami nang nagpapayo nu’n sa female personality na huwag nang tulungan si Sabrina pero hindi ito nakinig.

Sabi ng aming source, “Madrama kasing mag-text si Sabrina. Ang palagi niyang isinasangkalan, e, ang mga anak niya. Pumapasok daw na hindi na kumakain ang mga anak niya, kesyo walang baon sa school at kung anu-ano pang mga kuwento.

“Natural, dahil nanay rin ang friend niya, agad namang magpapadala sa kanya ng datung ‘yung isa! Ipinadadala niya ‘yun sa isang money courier.

“Aba, after three days, heto na naman si Sabrina, humihingi na naman ng pera, kasi raw, maysakit ang anak niya, wala raw siyang pampa-check-up. Wala rin daw siyang pambili ng gamot ng bata.

“Heto na naman si ____ (pangalan ng female personality), padala na naman siya, hanggang sa lumaki na nang lumaki ang hinihingi sa kanya ni Sabrina!

“Ang dami-dami nang nagpapayo sa kanya na huwag tustusan si Sabrina dahil ipinangda-drugs lang niya ‘yun, pero tinatalo ng awa ang girl. Ngayong nahuli na si Sabrina, inis na inis siya!

“Totoo raw palang droga lang ang binibili ni Sabrina kapag humihingi ng pera sa kanya. Inis na inis ang girl, awang-awa pa raw naman siya, pero dapat pala, e, tiniis na lang niya si Sabrina,” pagtatapos ng aming kausap na babaeng personalidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending