Pagbagsak ng ekonomiya isinisi kay Duterte
Leifbilly Begas - Bandera September 27, 2016 - 03:26 PM
Naniniwala ang mga kongresista na may kinalaman sa mga pahayag ni Pangulong Duterte ang pagbagsak ng ekonomiya.
Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman kung noong nakaraang administrasyon ang tingin sa Pilipinas ay ‘bright star’ ngayon ang bansa umano ay isa ng ‘falling star’.
Ayon kay Lagman hindi maitatanggi na mas maganda ang kalagayan ng ekonomiya noon kumpara ngayon.
Sinabi naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin na mahihirapan ang gobyerno kapag bumaba ang credit rating ng bansa dahil mas lalaki ang ibabayad sa uutangin nitong pondo.
Dagdag pa ni Villarin hindi umano magandang indikasyon ang pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar at ang pagbaba ng foreign direct investment na kailangang kailangan ng bansa upang bumuti ang buhay ng mga Pilipino.
Naniniwala naman si Caloocan Rep. Edgar Erice na may kinalaman ang mga ito sa mga desisyon ni Duterte na awayin ang Estados Unidos at European Union.
Ipinagtanggol naman ni Davao City Rep. Karlo Alexie Nograles si Duterte sa paninisi rito kaya bumaba ang Stock Market.
Sinabi ni Nograles na wala itong kinalaman sa kampanya ni Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot.
“Portfolio investments should not be used to gauge the economy because there are many factors that affect the stock market that’s not necessarily reflective of a country’s economic position. The country’s economic viability as a location for investment is more closely reflected by its inflows of foreign direct investments which is expected to grow even stronger once the administration has succeeded in winning the fight against crime and drugs. Peace and order is a key consideration for FDI locators,” ani Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending