Siniguro ni JK Labajo: Lalaking-lalaki si Darren Espanto | Bandera

Siniguro ni JK Labajo: Lalaking-lalaki si Darren Espanto

Ervin Santiago - September 26, 2016 - 12:25 AM

 

jk-at-darren

LALAKING-LALAKI si Darren Espanto. Ito ang siniguro ng Kapamilya young singer-actor na si JK Labajo.

Magka-batch sa The Voice Kids ang dalawang bagets at magkasabay na silang nagkapangalan sa mundo ng showbiz. Ani JK, naging malapit din sila sa isa’t isa ni Darren.

Kaya sa nakaraang presscon ng first major concert ng binatilyo na “One Voice”, kasama sina Klarisse de Guzman at Jason D, natanong si JK kung ano ang masasabi niya sa mga intriga tungkol sa gender ni Darren.

“I know him, eh. I know him personally and I don’t think he is gay. Me, personally I’m not trying to lie or defend him para ganyan-ganyan.

“Kasi he’s my brother and I know naman yung galaw niya, eh. He is not like that. Hindi naman siya ganun at wala naman akong nakikitang ganu’n sa kanya,” pagtatanggol ni JK sa kaibigan.

Ipinagdiinan din ng batang singer na on and off cam ay lalaking-lalaking kumilos si Darren, “We’re really close. So, I don’t really see anything na nagbabase sa ganun. I don’t know other people see na I don’t see, pero me, personally as his best friend and as his brother, wala akong nakikitang ganu’n.”

Hindi pa raw sila nakakapag-usap ni Darren tungkol sa isyu, “Kasi busy ho siya, eh. I’m trying to find time to talk to him about it nga kasi baka naapektuhan yon, kasi baka naniwala sa mga sinabi ng mga tao.

“Hindi pa kami nagkausap since then nang one-on-one talaga. Pero plano kong gawin yan kasi nga baka naapektuhan siya, di ba?” esplika pa ng binatilyong singer.

May mga kumalat namang tsismis na iniiwasan na raw siya ni Darren mula nang kumalat ang gender issue, “Baka nga, yon nga po yung ayaw ko, eh, yung naniniwala agad sa mga sinasabi ng ibang tao, eh.

Dapat kausapin muna ako. Sana hindi siya nagtampo sa akin. Pero kakausapin ko talaga siya about that.”

Sumusumpa rin si JK na never niyang sinabi na beki si Darren tulad ng mga kumalat na tsismis, “Actually, I did not even say the word. Wala nga akong sinabing anything against about it, so yon lang. I’m not even going to defend myself. I’m just sharing.”

Speaking of “One Voice” concert, todo na ang ginagawang paghahanda nina JK, Klarisse at Jason para mabigyan ng bonggang-bonggang show ang kanilang fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gaganapin ito sa Music Museum sa Oct. 1, 8 p.m. produced by Hills & Dreams, mula sa musical direction ni Marvin Querido at sa stage direction ni Frank Lloyd Mamaril.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending