Batanes maaapektuhan ng bagyong Helen
Leifbilly Begas - Bandera September 25, 2016 - 04:17 PM
Matapos hagupitin ng bagyong Gener, pinaghahanda naman ngayon ang Batanes Group of Islands sa epekto ng bagyong Helen.
Sa inilabas na advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration itinaas nito ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
“Helen has slightly intensified as it continues to move in the general direction of Batanes-Taiwan area,” saad ng PAGASA.
Kahapon ng umaga ang bagyo ay 1,025 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan. May hangin ito na umaabot sa 140 kilometro ang bilis at pabugsong umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Umuusad ito ng pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 22 kilometro bawat oras.
Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang nasa 510 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes at bukas 255 kilometro sa hilaga ng Basco.
Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon, sa Miyerkules ay inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending