Female star nakatagpo ng ’forever’ kahit sandamakmak ang naka-sex
SA isang umpukan ay naging sentrong panghimagas ang isang female personality na mabuti naman at nakahabol pa sa biyahe ng pagpapamilya. Maraming masaya para sa kanya.
Mahabang panahon kasi na parang bolang patalbug-talbog sa iba-ibang kandungan ang babaeng personalidad, wala siyang nagtatagal na relasyon, hindi rin kagandahan ang mga kuwentong kinasasangkutan niya tungkol sa mga kalalakihan.
Kuwento ng isang source, “Suwerte pa rin si ____ (pangalan ng seksing personalidad) at naging maganda ang ending niya. Nakakaawa kasi siya, parang walang kapupuntahan ang buhay niya nu’n!
“Palipat-lipat siya ng kasama sa buhay, may mga nagiging boyfriend siya, pero parang naglalaro lang naman siya. Walang-wala nu’n sa utak niya ang seryosong relasyon,” napapailing na kuwento ng aming impormante.
At ang talagang kuwentong hindi puwedeng idenay ng babaeng personalidad ay ang dami ng mga kalalakihang dumaan sa kanyang mga kamay na hindi niya naman karelasyon.
“‘Yun ang time na ang dami-dami niyang pangarap na gusto niyang makuha nang madalian. Grabe ‘yun, marami siyang nakachurvahan na ang kapalit siyempre, e, mga materyal na bagay at malaking kadatungan!
“Lahat halos ng mga branded na stuff, e, meron na siya, nakaka-afford siyang bumili, kasi nga, e, hindi naman siya ang nagbabayad kundi ang mga nakakachurvahan niya!
“Mabuti na lang at nakahabol pa siya sa biyahe, may tumotoo sa kanya, may lalaking magdadala sa kanya sa altar at magmamahal sa kanya kahit pa hindi ‘yun forever. Mabait kasi siyang anak, siya ang nag-ahon sa pamilya niya sa kahirapan, kaya may premyo siyang nakuha sa bandang huli.
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, todo na ang mga clue, siguradong getlak n’yo na kung sino ang babaeng itey!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.