Paglipad ni Alden sa ‘Enca’ tinutukan ng AlDub fans | Bandera

Paglipad ni Alden sa ‘Enca’ tinutukan ng AlDub fans

Ervin Santiago - September 25, 2016 - 12:20 AM

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

LALO pang nagiging maganda at kaabang-abang ang istorya ng hit telefantasya ng GMA na Encantadia dahil bukod sa pagpasok na bagong karakter na si Paopao, ang batang ligaw na naging tagapangalaga ng ikalimang brilyante, tinutukan din ang paglabas ni Lakan played by Alden Richards.

Pero alam n’yo ba na hindi lang mga Encantadiks ang nag-abang sa paglabas ng karakter niya kundi pati si Alden mismo at ang AlDub Nation? Dream come true raw ito para sa kanya dahil matagal na raw niyang gusto na maging parte ng Encantadia.

Gustung-gusto raw niya ang role niya bilang isang Mulawin na kahit na in between takes, ayaw niyang hubarin ang costume niya. Kuwento niya, “Nung sinuot ko ‘yung costume, parang ayaw ko siya hubarin. Parang every after take, pag medyo saglit lang naman ‘yung gap bago ‘yung next na eksena, ayaw ko siyang hubarin. Masarap sa feeling eh. ‘Uy, parte na ako ng dati ko lang pinapanood sa TV. Grabe.”

May additional balita pa kami na nag-trending ang episode ni Alden. Kaya naman, isang mensahe ng pasasalamat ang ibinigay ni Alden sa mga viewers. “Nakakatuwa. Maraming salamat po. Na-miss ko rin talaga ‘yung pag-arte sa primetime,” aniya.

Dagdag pa nito na magiging malaki ang parte ni Lakan sa buhay ng mga Sang’gre kaya tutukan lang ang Encantadia gabi-gabi.

Samantala, wagi ang Encantadia pagdating sa nationwide o NUTAM ratings base na rin sa survey result noong Sept. 12 to 18 ng Nielsen. Habang patuloy ito sa pamamayagpag sa Urban Luzon at Mega Manila, lalong tumataas ang ratings ng Kapuso telefantasya sa NUTAM kaya naman hindi kataka-taka kung mag number one na rin ito nationwide.

Also, Encantadia took the number one spot in the overall list of top 10 programs in Urban Luzon for the period of Aug. 15 to Sept. 16 with a people rating of 12.5%.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending